^

Bansa

DFA tinatrabaho na mapauwi 13 surrogate Pinays sa Cambodia

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginagawa ng DFA ang lahat para maibalik sa bansa ang 13 Pinay surrogates na nakakulong sa Cambodia, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes.

Ang 13 buntis na Pinay ay nakulong sa Cambodia dahil sa ilegal na pagpayag na maging surrogates na mga ina.

Sinabi ng DFA na ginagawa nila ang lahat para mapatawad ng hari ng Cambodia ang mga Filipina sa pamamagitan ng “whole-of-government” approach.

“In response to reports about the anticipated return of the 13 surrogate women from Cambodia, the DFA wishes to affirm that we continue to do all we can to make this possible. This is a whole-of-government approach and many agencies are involved in the effort,” anang DFA.

Ang 13 Pinay ay kabilang sa 24 dayuhang kababaihan na nahuli ng Cambodian police sa Kandal province noong Setyembre at kinasuhan ng tangkang cross-border human trafficking, pahayag ng Kandal court.

Sinabi ng korte na mayroon itong matibay na ebidensya na nagpapakita na ang 13 ay may intensyon na magkaroon ng mga sanggol na ibenta kapalit ng pera, na isang gawain ng human trafficking.

Pinanindigan naman ng gobyerno ng Pilipinas na ang mga Pinay ay biktima ng human trafficking.

Napaulat din na nitong unang bahagi ng buwan, pinigilan ng Bureau of Immigration (BI) ang 2 Pinay na umalis ng bansa matapos nilang matuklasan na sila ay na-recruit bilang “surrogate mothers” sa Georgia sa Europe.

DFA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with