^

Bansa

Presyo ng mga paputok sa Bocaue, nagtaasan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Presyo ng mga paputok sa Bocaue, nagtaasan
lIang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon ay marami nang nabili ng mga paputok at pailaw sa Bocaue, Bulacan kahapon.
Miguel de Guzman

BOCAUE, Bulacan, Philippines —  Nagtaasan ang presyo ng mga paputok sa Pyrotechnics Capital of the Philippines apat na araw bago ang pagsalubong sa bagong taon.

Dagsa pa rin ang mga mamimili ng paputok sa bayan ng Bocaue na tinaguriang Pyrotechnics Capital ng Pilipinas sa kabila ng paglobo ng mga presyo ng mga pyrotechnic materials.

Ayon kay Lea ­Alapide, Pangulo ng Philippine Pyrotechnics Materials and Dealers Association Incorporated (PPMDAI), nagkaubusan na ng mga stock ang mga dealers kung kaya tumaas ang presyo ng mga produkto.

Isama pa dito ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing sangkap sa paggawa ng paputok gaya ng keminal tulad ng pulbura.

Ayon kay Luisa Sayo, may-ari ng tindahan ng paputok sa Bocaue, halos doble ang itinaas ng mga pangunahing pailaw gaya ng tinatawag nilang 100 shots na dati ay mabibili mo lamang sa halagang P5,000 na ngayon ay nasa halos P10,000 na ang halaga.

Pinakamura na umanong mabibiling pailaw ay nasa halagang P4,000, na masyado ng mabigat sa bulsa sa isang pangkaraniwang mamimili.

“Dahil sa nagkakaubusan na ng stocks, ang nagdidikta na ng presyo ng mga paputok ay ang mga dealers dahil nagkakahigpitan na ang pag-angkat ng mga pangunahing sangkap sa paggawa ng paputok,” ani Alapide.

Sa parte naman ng mga mamimili, wala naman daw problema sa kanila kung nagtaasan man ang presyo ng mga pailaw basta makasiguro lang sila na maayos ang mabibili nilang produkto at hindi sumasabog.

PAPUTOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with