8.4 magnitude na lindol, paghandaan - Phivolcs
MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko na maging handa oras na magkaroon ng paggalaw ang Manila Trench na maaaring magdulot ng magnitude 8.4 na lindol.
Sinabi ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol, oras na mangyari ito ay maaaring magkaroon ng tsunami na hanggang 10 metro ang taas sa ilang lugar kaya dapat laging maging handa ang publiko.
Gayunman, walang makapagsabi kung kailan mangyayari ito dahil hindi naman natutukoy kung kailan magkakaroon ng lindol.
Hinikayat ni Bacolcol ang publiko na alamin ang mga natural na senyales ng napipintong tsunami tulad ng shake, drop and roar.
Sinabi ni Bacolcol na oras na may maganap na malakas na paglindol na halos hindi na makatayo ang mga tao at may biglaang pagbaba ng tubig sa karagatan o kaya ay makarinig ng ugong mula sa karagatan ay mas mainam na lumikas sa mas mataas na lugar lalo na ang mga nakatira sa tabing dagat.
- Latest