PNP sa mga magulang: Gabayan anak vs paggamit ng paputok
MANILA, Philippines — Gabayan ang inyong anak sa paggamit ng paputok.
Ito naman ang paalala ng Philippine National Police (PNP) mula sa paggamit ng mga paputok at pailaw sa pagsalubong sa Bagong Taon.
Ang paalala ay ginawa ng PNP kasunod na rin ng babala ng Department of Health (DoH) hinggil sa peligrong dulot ng mga iligal na paputok lalo na sa mga kabataan.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Jean Fajardo, karamihan kasi sa mga naitatala nilang biktima ng mga paputok ay pawang mga kabataan lalo na iyong mga paslit pa.
Kalimitang nabibiktima ang mga ito ng watusi, piccolo, baby rocket at iba pa na lubhang mapanganib lalo na kung ito’y magagamit ng mga kaataan.
Samantala, hinimok naman ng PNP ang publiko na kung maaari ay iwasan na lamang ang paggamit ng paputok at salubungin ang Bagong Taon sa ligtas na paraan.
- Latest