^

Bansa

Unang 4PH housing building sa bansa tinurnover ng Bacolod

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Unang 4PH housing building sa bansa tinurnover ng Bacolod
Ang kauna-unahang 4PH housing building na tinurnover ng Bacolod.

MANILA, Philippines — Bumida ang Bacolod City bilang kauna-unahang local government unit sa bansa na nakapag-turnover ng isang kumpletong gusali sa ilalim ng 4PH Program.

Pinangunahan ni Bacolod Mayor Alfredo Abelardo “Albee” Benitez ang turnover ng Building 1 ng Asenso Yuhum Residences sa Arao para sa mga pamilyang Bacolodnon.

Ang 4PH o “Pambansang Pabahay Para sa Pilipino” Program na inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay naglalayong tugunan ang kakulangan sa pabahay sa bansa. Pinatunayan ng Bacolod ang dedikasyon nito sa pagbibigay ng abot-kaya at maayos na tirahan para sa mga mamamayan nito.

Ang mga unang buyer-beneficiary ng Building 1 ay nakatakda nang tumira sa kanilang mga bagong tahanan. Sa kasalukuyan, inaayos na rin ang mga dokumento para sa mga benepisyaryo ng Buildings 2, 3, at 4.

Ang proyektong ito ay resulta ng pagtutulungan ng Bacolod Housing Authority, sa pamumuno ni Ma. Victoria Parrenas, at ng pribadong sektor sa ilalim ng WRS Holdings Consortium na kinabibilangan ng Scheirman Construction Consolidated Inc. at RS Realty Developers Inc.

Malaking tulong din ang mga subsidiyang ipinagkaloob ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), sa pamumuno ni Sec. Jose Rizalino Acuzar, upang gawing mas abot-kaya ang pabahay.

Ayon kay Mayor Benitez, ito ay isang hakbang upang gawing “Super City” ang Bacolod.

HOUSING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with