^

Bansa

Pondo para sa ayuda ng ­ mahihirap, paglaanan — Romualdez

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pondo para sa ayuda ng ­ mahihirap, paglaanan â Romualdez
Speaker Martin Romualdez.
STAR / File

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang paglalaan ng Senado at Kamara ng pondo para mabigyan ng ayuda sa susunod na taon ang mga mahihirap at mga pamilya na kapos ang kinikita. Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag sa isang talumpati bago nag-adjourn ang sesyon ng Kongreso para sa Christmas break.

Sinabi ng lider ng Kamara na maraming pamil­yang Pilipino ang nangangailangan ng tulong bunsod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, pandaigdigang hindi pagkakasundo, at mga nagdaang kalamidad kaya iginiit ng Kamara ang pangangailangan na magkaroon ng pondo para sa ayuda.

Iginiit din ng lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi lamang paggawa ng batas ang kanilang trabaho kundi maging ang pagtiyak na ang mga batas na ginawa ay makapagbibigay ng pag-asa at dignidad sa bawat pamilyang Pilipino.

“Sa mga kontra sa ayuda,handang ipakita ng administrasyong ito kung saan napunta ang bawat sentimong inilaan para rito. Ang may hawak ng pondo, ang mga departmento tulad ng DSWD, DOLE at DOH. Sila ang nagpapatakbo ng programa, hindi ang Kongreso,” wika pa ni Romualdez.

“Lahat ng programang ito ay may totoong benepisyaryo. May totoong resibo. Walang notice of disallowance mula sa Commission on Audit. Ang trabaho ng Kongreso: tiyakin ang pondo rito at masiguro na nakakarating nang maayos sa mga benepisyaryo,” saad pa nito.

Ipinunto ni Speaker Romualdez na ang badyet, na inaasahang lalagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bago matapos ang 2024 ay tumutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.

Sa pamamagitan ng 2025 national badyet, sinabi ni Speaker Romualdez na matutulungan ang mga nangangailangan ng tulong na papasa sa mga kuwalipikasyong itinakda ng programa.

SENADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with