^

Bansa

Pagbagsak ng ekonomiya sa Kalibo Airport, isinisi sa solon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — t District Congressman Carlito Marquez ang kasalukuyang kalagayan ng Kalibo International Airport na bumagsak ang turismo at nagkaroon ng pagkalugi ang maraming negosyo sa lalawigan, kabilang na ang mga hotel at restaurant.

Iginiit ni Miraflores na ang kapabayaan umano ni Mar­quez sa kanyang tungkulin ay nagdulot nang patuloy na pag­baba ng domestic at regional flights sa pangunahing­ paliparan ng Aklan, na dating itinuturing na isa sa mga pina­­kamahalagang gateway patungo sa sikat na isla ng Boracay.

Ayon kay Miraflores, nangangamba na ang mga local business owners sa nangyayaring unti-unting pagkawala ng  kumpiyansa ng mga turista at mamumuhunan sa lugar  dahil sa kakulangan ng malinaw na direksyon at aksyon sa pagpa­pabuti ng Kalibo airport.

Binigyang-diin ni Miraflores na ang pagkalugi ng mga hotel at restaurant sa Kalibo ay bunga ng pagbawas ng mga turista, na dati’y umaasa sa maayos na operasyon ng paliparan.

Una nang naiulat ng  Malay Municipal Tourism Office (MMTO) na bumaba ang bilang ng mga turista sa Boracay ng 3.25% ngayong 2024 kumpara sa nakaraang taon.

Samantala, tikom naman ang bibig ni Marquez sa pa­­ha­yag ni Mirafloes sa kanya.

AKLAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with