Clemency ni Veloso malayo pa – Marcos
MANILA, Philippines — Malayo pang mabigyan ng clemency ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si death row convict Mary Jane Veloso.
Mismong ang Pangulo ang nagsabi sa ambush interview sa Pasay City, na kailangang pag-aralan muna ang estado ni Veloso.
“Malayo pa tayo doon. We still have to have a look at really what her status is,” ani Marcos.
Alam ng Pangulo ang hiling ng pamilya ni Veloso na mabigyan ng clemency si Mary Jane.
Sinabi rin ni Marcos na ipinauubaya na niya sa legal experts kung karapat-dapat na bigyan ng clemency si Veloso.
Ayon pa sa Pangulo, walang ibinigay na kondisyon ang Indonesia tungkol kay Veloso.
“We leave it to the judgment of our legal experts to determine whether the vision of clemency is appropriate. So we have to look at the--- Wala namang condition na binigay ang Indonesia. So it’s really up to us. But we’re still at the very preliminary stage of her pag-uwi,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Nasa Correctional Institution for Women na sa Mandaluyong City si Veloso matapos magpasya ang pamahalaan ng Indonesia na ibigay na sa kustodiya ng Pilipinas ang death row convict.
Matatandaan na taong 2010 nang maaresto si Veloso sa Indonesia dahil sa pagpupuslit ng illegal na droga.
Inihayag din ni Marcos na prayoridad ng gobyerno ang kaligtasan ni Veloso.
“We assure the Filipino people that Ms. Veloso’s safety and welfare is paramount and our agencies in the justice and law enforcement sector shall continue to ensure it, as our Indonesian counterparts have safeguarded it for so long,” ani Marcos.
Pinasalamatan din ni Marcos ang pamahalaan ng Indonesia at lahat ng tumulong na mailipat sa Pilipinas si Veloso.
“We take this opportunity to extend our gratitude to the Indonesian government and to all who have extended assistance for the welfare of Ms. Mary Jane Veloso,” pahayag ni Marcos.
- Latest