^

Bansa

Malasakit Center beneficiaries: 15 milyon and counting!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Fifteen million beneficiaries and counting.

Ito ang update ng Department of Health (DOH) sa pagdinig ng Senate committee on health tungkol sa kasalukuyang estado ng Malasakit Centers Program.

Sa kabila ng bulung-bulungan tungkol sa kahihinatnan ng “one-stop shop for medical assistance,” sinabi mismo ni DOH Sec. Ted Herbosa sa arkitekto ng Malasakit Centers Law at chairman ng komite na si Senator Bong Go, na bubuhusan pa ng pondo ang Malasakit Centers alang-alang sa mga mahihirap na pasyente.

Ikinatuwa rin ni Go ang garantiya ng DOH na walang tatanggihan kahit na isang pasyente na dudulog sa Malasakit Centers.

Matatagpuan sa 166 Malasakit Centers sa buong bansa ang mga kinatawan ng DOH, PhilHealth, PCSO, at DSWD.

Sa ilalim ng programa ay hindi na kailangan pang magpunta kung saan-saang ahensiya ang mga mahihirap na pasyente para makakuha ng tulong medikal.

“Bakit pa natin pahihirapan ang mga Pilipino? Pera naman nila ’yan! Napakahalaga po ng ambag (ng mga ahensyang ito). Napakahalaga po dito ng kunsensya ninyo,” ani Go.

Samantala sa nasabi pa ring pagdinig, ibinalita naman ng DSWD na maaaring makakuha ng medical assistance o guarantee letters ang mga pasyente mula mismo sa Malasakit Centers.

Ito ay matapos rebisahin ng ahensya ang Memorandum Circular No. 16 para mas mapakinabangan ng mga ­pasyente ang pondo ng DSWD.

“Salamat sa DOH at DSWD. ­Malaking tulong po iyan sa mga babayaran ng mga pasyente sa ospital lalo na ang mga mahihirap nating kababayan,” dagdag ni Go.

Sa nakalipas na pagdinig ng mga komite ni Go, pinasalamatan ng DOH ang senador dahil sa milyun-milyong natulungan ng programa na sinimulan ni Senator Bong Go bago pa man siya maging mambabatas.

 

MALASAKIT CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with