^

Metro

Importasyon ng live cattle, products mula Japan, ban sa Pinas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng live cattle at buffalo at kanilang produkto mula Japan dahil sa outbreak ng Lumpy Skin Disease (LSD) na dumapo sa naturang hayop.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. na mahalagang maipatupad ang import ban upang protektahan ang local cattle at water buffalo populations sa bansa mula sa LSD virus.

Ang LSD ay isang viral disease na nakakaapekto sa naturang­ hayop na kapag lumala ay nagkakaroon ng kumplikasyon na ugat ng kanilang kamatayan.

Unang iniulat ng Japan’s Ministry of Agriculture, Forestry and Fisheries ang outbreak sa World Organization for Animal Health noong November 15, 2024 na tinamaan ng naturang virus ang hayupan sa Maebaru, Fukuoka.

Kasama rin sa ban ang unpasteurized milk at milk products, embryos, skin, at semen na gamit sa artificial insemination.

CATTLE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with