^

Bansa

Rice traders, importers payag sa P40/kilo sa NCR markets ngayong Disyembre

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Rice traders, importers payag sa P40/kilo sa NCR markets ngayong Disyembre
A vendor arranges his rice products for sale at a public market along M. Dela Fuente Street in Sampaloc, Manila on July 14, 2024.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Mismong mga rice importers at traders na sa Bulacan ang magdadala at magbebenta ng murang bigas sa iba’t-ibang palengke sa Metro Manila simula sa susunod na linggo.

“Ito ang ipinangako ni Celestino Marquez, pangulo ng Intercity Rice Mills and Traders sa Balagtas, Bulacan matapos makumbinse natin sa pangunguna ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales ang grupo na ibenta diretso sa merkado ang mga bigas na hawak nila,” wika ni House Deputy Majority leader Erwin Tulfo.

Ayon kay G. Marquez, “pwede naming ibenta ang mga bigas namin diretso sa mga tao sa halagang P40 hanggang P45 per kilo.”

Dagdag pa ni Tulfo, “this is a breakthrough and we are thankful na tutulong din itong mga ne­gosyante sa pagresolba sa problema ng ating bayan.”

Sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Laurel na kailangang bigyan sila ng permit (rice traders) na magbenta ng tingi o di kaya ibagsak nila sa 250 DA stalls sa NCR markets ang bigas nila.

Ayon naman kay Senior Deputy Speaker Gonzales, “this is the initiative of Speaker (Martin) Romualdez na kung pwede kausapin ang mga negosyante na tumulong sa pagpapababa ng presyo ng bigas.”

RICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with