^

Bansa

Quad Comm inirekomenda na paghahain ng ‘crime against humanity’ vs Duterte, iba pa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirekomenda na nitong Miyerkules ng House Quad Committee ang pagsasampa ng kasong “crimes against humanity” laban kina dating ­Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Ronald “Bato” de la Rosa, dating PNP Chiefs ret. Oscar Albayalde at ret. Gen. Debold Sinas; dating P/Colonels Royina Garma at Edilberto Leonardo at dating Palace aide na si Herminia “Muking” Espino.

Si Garma, dating PCSO manager, ang nagbulgar sa Quad Comm sa Davao model o reward sa mga opisyal at tauhan ng pulisya na makakapatay ng mga drug personalities, pag-iral ng Davao Death Squad, pagpatay sa mga tatlong Chinese drug lords sa loob ng Davao Penal Colony.

Ang rekomendasyon ay nakapaloob sa 43 pahinang QuadCom progress report matapos ang 13 pagdinig mula Agosto 16 hanggang Disyembre 12, 2024 kung saan iprinisinta ang mga nadiskubre, nakalap na ebidensya, naging aksiyon at rekomendasyon sa paggawa ng panukalang batas hinggil sa EJK, illegal na droga gayundin ang illegal na operasyon ng POGOs.

Sinabi ni Quad Comm chair Rep. Robert Barbers, nang dumalo si dating Pangulong Duterte sa pagdinig noong Nobyembre 13 ay kinumpirma nito ang Davao Death Squad, ang Davao template o model sa reward system sa mga police officers na masasangkot sa EJK na pinayuhan ang mga pulis na pilitin ang mga drug personalities na manlaban habang inako rin nito ang buong responsibilidad sa bloody drug war.

HOUSE QUAD COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with