Pangulong Marcos wala pang desisyon sa pardon kay Veloso
MANILA, Philippines — Hindi pa tiyak kung bibigyan ni Pangulong Ferdinand Marcos ng pardon ang Pinay death row convict na si Mary Jane Veloso.
Ayon sa Malacañang, masyado pang maaga para pag-usapan ang pagbibigay ng pardon ng Pangulo.
Inaasahang maiuuwi na si Veloso sa bansa anumang oras ngayon matapos pumayag ang Indonesia na sa Pilipinas na lamang siya ikulong.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi pa masabi kung ano ang mangyayari pagdating ni Veloso dahil ang prayoridad ngayon ay mapauwi ito ng walang anomang aberya o pagkaantala.
“Nothing to say yet on what may happen. The priority of PBBM is to have Veloso repatriated without delay,” ani Bersamin.
Matatandaan na sumulat na ang pamilya ni Veloso kay Pangulong Marcos Jr. noong nakalipas na linggo at hiniling na mabigyan ito ng executive clemency.
Umaasa rin ang pamilya Veloso na mapagbibigyan ang kahilingan nila para makapiling na nila ito ng tuluyan.
Maging sa House of Representatives ay may isinusulong na resolusyon nanglalayong hikayatin ang Pangulo na bigyan ng Presidential Pardon si Veloso.
- Latest