DOH: Kaso ng Mpox sa Pinas, 52 na
MANILA, Philippines — Umaabot na sa 52 ang bilang ng mga kaso ng Mpox na naitala nila sa Pilipinas.
Sa isang pulong balitaan kahapon, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na 32 sa mga naturang kaso ay mula sa National Capital Region (NCR).
Nasa 13 naman sa mga ito ay mula sa Region 4A o Calabarzon habang tatlong kaso naman ang naitala sa Region 3 o Central Luzon.
Kaugnay nito, muli namang nanawagan ang DOH sa publiko na maging maingat upang hindi mahawa ng karamdaman, gaya ng Mpox, na maaaring maihawa sa pamamagitan ng close at intimate contact sa taong dinapuan nito.
Mas makabubuti umano kung ugaliin ang palagiang paghuhugas ng kamay, gamit ang sabon at tubig upang patayin ang virus.
Kung maghuhugas naman ng mga bagay na maaaring kontaminado ng virus ay dapat na gumamit ng guwantes o gloves.
Ayon sa DOH, kabilang sa mga sintomas ng Mpox ay skin rashes o mucosal lesions, na may kasamang lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pananakit ng likod, panghihina at pamamaga ng mga lymph nodes.
- Latest