^

Bansa

PNP inilabas listahan ng mga bawal na paputok

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilabas na kahapon ng Philippine National Police-Civil Security Group ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnic devices sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Batay sa Executive Order No. 28 at Republic Act 7183, kabilang sa ipinagbabawal ang Watusi, Piccolo, Poppop, Five Star (Big), Pla-Pla, Lolo Thunder, Giant Bawang, ­Giant Whistle Bomb, Atomic Bomb, at Atomic Triangle.

Kasama rin dito ang mga malalakas na paputok tulad ng Large-size Judas Belt, Goodbye Delima, Hello Columbia, Goodbye Napoles, Super Yolanda, Mother Rockets, Kwiton, Super Lolo, at Goodbye Bading.

Gayundin ang Goodbye Philippines, Bin Laden, Coke-in-Can, Pillbox, Kabasi, Special, Kingkong, Tuna, at Goodbye Chismosa.

Ayon sa CSG, mahigpit na ipinagbabawal ang mga paputok na may explosive content na lampas sa 0.2 grams o higit sa 1/3 teaspoon ng pulbura.

Nagpaalala naman ang pulisya sa publiko na tiyaking sa mga sertipikadong retailer lamang bibili ng mga paputok at pailaw upang masiguro na ligtas at masaya ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with