Pagbisita ng pamilya ni Mary Jane Veloso sa Indonesia kinansela
MANILA, Philippines — Kinansela ng pamilya ng Pinay death row convict na si Mary Jane Veloso ang kanilang biyahe sa Indonesia dahil sinisimulan na ang proseso ng pagbabalik nito sa Pilipinas bago Pasko.
Ayon sa pahayag nina Celia at Cesar Veloso, nakatanggap sila ng abiso mula sa Department of Foreign Affairs na magtutungo na si Mary Jane sa Jakarta para simulan ang proseso ng kanyang paglilipat sa Pilipinas, alinsunod sa utos ng Indonesian Ministry for Law, Human Rights, Immigration and Corrections.
Bagaman nanghihinayang na hindi sila matutuloy sa pagbisita kay Mary Jane sinabi ng pamilya na napakasaya nila na nakatakdang umuwi si Mary Jane, kahit na wala pang tiyak na petsa para sa kanyang pagdating.
Si Veloso, 39, ay inaresto at hinatulan ng kamatayan noong 2010 matapos makita na ang maleta niyang dala ay may laman na 2.6 kilo ng heroin. Pinanindigan ni Mary Jane na siya ay nalinlang at biktima ng isang international drug syndicate.
- Latest