^

Bansa

DQ vs Teodoro ‘di pa pinal – Comelec

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DQ vs Teodoro ‘di pa pinal – Comelec
This photo shows Marikina City Mayor Marcy Teodoro filing his Certificate of Candidacy before a local Comelec office on October 8.
News5 / JC Cosico

MANILA, Philippines — Maaaring baliktarin ng Commission on Elections (Comelec) ang nauna nitong desisyon at payagan si Marikina Mayor Marcy Teodoro na tumakbo bilang kongresista sa unang distrito ng lungsod kung makakapagprisinta siya ng bagong argumento o ebidensya sa kanyang motion for reconsideration.

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, may mga pagkakataon sa mga nakaraang kaso na nabaliktad ang ­desisyon ng poll body base sa mga argumento o bagong ebidensiyang inilatag sa apela.

“Marami rin namang pagkakataon na pagkatapos makapagprisinta ng mga argumento sa motion for reconsideration ay puwedeng magkaroon ng reversal ang division,” ani Garcia.

“Ibig sabihin, puwede magbago naman ang isip ng mga nasa division. Hindi naman po siya porke’t bumoto, maaaring hindi lang may naliwanagan o maaaring may ebidensiyang hindi lang naiprisinta, ay pupuwede pong magkaroon ng pagbabago,” paliwanag niya.

Dagdag pa ni Garcia, ang pasya ng Comelec 1st Division na i-disqualify si Teodoro bilang kandidato ay hindi pa pinal at hindi pa puwedeng ipatupad, dahil ito’y daraan pa sa motion for reconsideration.

“Kapag nag-file, hindi puwedeng ipatupad ang desisyon ng Komisyon. Therefore, kung iyan po’y aabutin sa printing ng balota, makakasama pa ang pangalan ni Mayor Marcy doon sa balota,” sabi niya.

Samantala, batay sa record ng Comelec, isang Leighrich James ­Estanislao ang unang nagsampa ng kaso laban kay Teodoro sa Comelec, bago sumunod sina Senador Koko Pimentel, Katrina Marco, Angelu Estanislao at Ma. Luisa de Guzman.

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with