^

Bansa

Sanggol kabilang sa 636 biktima ng child exploitation, nasagip ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 636 biktima ng child exploitation kabilang ang isang 4 buwang sanggol ang nasagip ng Philippine National Police (PNP) na ­ibinebenta online simula pa noong 2022.

Ayon kay PNP Chief PGen. Rommel Francisco D. Marbil, ang kanilang operasyon ay bunsod ng kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pigilan ang child exploitation.

Sinabi ni Marbil na ang pagsagip sa mga kabataan ay paghatid sa kanila sa mas maayos at ligtas na kapaligiran.

Gayunman, inamin ni Marbil na ikinagulat niya ang insidente ng pagbebenta sa 4 buwang sanggol ng kanyang magulang at tiyahin sa Taguig City.

Nabatid na nasa 375 ang babae at 121 ang lalaki na pawang may edad 17.

Ani Marbil, sa tulong ng makabagong teknolohiya, mas nagiging madali ang kanilang imbestigasyon na nagreresulta sa pagdakip sa mga suspek at pagsugpo sa krimen.

CHILD EXPLOITATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with