^

Bansa

‘Teacher Stella’ namahagi ng libreng sapatos sa Marikina

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Teacher Stella’ namahagi ng libreng sapatos sa Marikina
Ang programa ay bahagi ng “Q Kiddie Scholar Program” na unang inilunsad noong termino ni Cong. Miro at ipinagpapatuloy ni Cong. Stella.
STAR/File

MANILA, Philippines — Matagumpay na naisagawa nina Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo at dating Congressman Miro Quimbo ang pamamahagi ng libreng school supplies, bag, PE uniform, libro, at sapatos para sa halos 2,000 kindergarten students sa District 2 ng Marikina.

Ang programa ay bahagi ng “Q Kiddie Scholar Program” na unang inilunsad noong termino ni Cong. Miro at ipinagpapatuloy ni Cong. Stella.

Ayon kay Cong. Stella, “Bilang guro sa loob ng 26 taon, naniniwala akong edukasyon ang susi sa magandang kinabukasan. Kaya’t panata namin ni Cong. Miro na suportahan ang sektor ng edukasyon at gawing number 1 ang Marikina sa larangang ito.”

Espesyal ang programang ito ngayong taon dahil bukod sa mga libreng school supplies, ipinamigay rin ang mga libre at de-kalidad na sapatos na gawang Marikina.

“Kapag gawang Marikina, matibay at may pagmamahal. Sa proyektong ito, natulungan din natin ang mga sapatero sa ating lungsod,” ani “Teacher” Stella.

Ipinagmamalaki rin ng mag-asawang Quimbo ang kanilang mga nagawa, tulad ng pagtatayo ng higit 700 silid-aralan at pamimigay ng libreng school supplies sa higit 80,000 estudyante simula 2010.

STELLA QUIMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with