^

Bansa

BOC, DA palakasin kampanya vs agri smugglers – Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
BOC, DA palakasin kampanya vs agri smugglers – Pangulong Marcos
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. on July 19, 2024.
STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) na palakasin ang pagpapatupad ng Republic Act 10845, o ang Anti-Agricultural Sabotage Act of 2016.

Ang kautusan ay ginawa ng Pangulo, matapos ang inspeksyon sa 21 container vans ng kontrabandong mackerel na nagkakahalaga ng P178.5 milyon sa Port Area, Maynila nitong Sabado.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, kailangan ng mas malakas na aksyon laban sa mga smugglers na nagdudulot ng kaguluhan sa supply chain na malaki ang epekto sa presyo ng mga produktong pang-agrikultura sa lokal na pamilihan.

Itinuturing naman ng Pangulo na tagumpay ang  operasyon dahil  ang kontrabandong mackerel  ang kauna-unahang kaso na isinampa sa ilalim ng Anti-Agricultural Sabotage Act ng 2016.

“At ito’y, gaya ng sinabi ko, ang kauna-unahang kaso sa ilalim ng bagong batas ng Anti-Agricultural Sabotage Act. Kaya’t nakipag-usap ako sa Bureau of Customs, at nakipag-usap din ako sa Department of Agriculture, at kailangan pa nating palakasin ito,” sinabi pa ng Pangulo.

Ang kargamento ay nasabat ng Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng BOC at ng Manila International Container Port (MICP) at nagkakahalaga ang mga frozen goods  ng P178.5 milyon kasabay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng DA.

“Ang naging susi rito ay ang koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang ahensya. ‘Yun lagi ang pinakamahalaga dahil ang iba’t ibang ahensya ay nagtulungan, mula sa simula hanggang sa dulo. Dahil ang end-consumer nito, DSWD,” sabi ni Pangulong Marcos.

Ang mga nakum­piskang mackerel ay ipinamahagi sa mga pamilyang nasa mga evacuation centers na apektado ng mga ka­makailang kalamidad sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang grupo tulad ng Bureau of Corrections (BuCor).

Nilinaw naman ng BFAR na ang mackerel ay ligtas para sa pagkonsumo ng tao.

Noong Setyembre 28 at 29, dumating sa MICP ang kabuuang 58,800 karton mula sa 21 container ng frozen mackerel mula sa China.

BOC

DA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with