AFP gagawing moderno, ‘world class’ – Pangulong Marcos
MANILA, Philippines —Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang modernisasyon at gawing “world class” ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Sa graduation ceremony ng Major Services Officer Candidate Course (MS OCC), sinabi ng Pangulo na ang kanyang administrasyon ay nanatiling tapat sa pagtutok sa pagbabago ng AFP para maging world class na pwersa na maaaring ipagmalaki.
Ang MS OCC ay isang programang tumatagal ng isang taon para sa mga nagtapos ng bachelor’s degree para maging mga opisyal sa Philippine Army (PA) at Philippine Air Force bilang mga Second Lieutenant, kabilang din dito ang Philippine Navy (PN) bilang Ensign sa regular na pwersa ng AFP.
“We will modernize your equipment, enhance your training programs, ensure that you are equipped to face challenges not just of today, but also of the future. Because together, we will build an AFP that will stand as a beacon of strength, of alliance, resilience, and technological excellence,” dagdag ni Marcos.
Kasabay nito, hinikayat din ng Pangulo ang mga nagtapos na magsagawa ng kanilang tungkulin ng may kahusayan.
“Maraming salamat sa pagtanggap sa hamong makapagsilbi sa ating minamahal na Pilipinas. Saan man kayo maitalaga, nawa’y maglingkod kayo nang may kahusayan, katapatan, at karangalan,” ayon pa kay Marcos.
- Latest