‘Oust Chiz’ itinanggi ng mga senador
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng ilang Senador ang umuugong na kudeta laban sa liderato ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.
Sinabi ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na “CHIZmis” lang ang kumakalat na ulat dahil sa ngayon ay maayos naman ang performance at satisfied ang karamihan ng senador.
Dagdag pa ni Ejercito na maraming kailangang tapusin sa Senado kaya sa tingin niya ay walang katotohanan ang ulat na kudeta at sa ngayon ay mahirap itong i-entertain.
Itinanggi rin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada ang tsismis na kudeta at iginiit na mas mabuting manatili si Escudero bilang lider ng Senado.
Anya, malaking tulong si Escudero sakaling umakyat sa Senado ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Para naman kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, wala siyang naririnig na usapan ng kudeta laban kay Escudero at itinanggi na isa siya sa 12 Senador na nagnanais ng pagbabago ng Senate President.
Wala raw siyang nakikitang problema sa liderato ni Escudero.
Habang si Sen. Cynthia Villar, na umano’y papalit kay Escudero ay pinabulaanan din ang nasabing ulat.
“Ako [r]aw ang magse-Senate president? Tapos na ang Senado, manggugulo pa tayo?” dagdag pa ni Villar.
- Latest