Gatchalian umayaw sa impeachment vs VP Sara
MANILA, Philippines — Nababahala si Senador Win Gatchalian dahil sa posibleng mabinbin ang mga panukalang batas na kailangang tapusin ng Senado sakaling matuloy ang impeachment proceedings sa kaso ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Gatchalian, maraming priority measures ang Kongreso na dapat unahin at tapusin bago matapos ang 19th Congress at kung sakaling umabot sa Senado ang impeachment case ay maraming panukalang batas ang made-delay ang pag-apruba.
Tiyak aniyang maraming prayoridad na panukala ang magiging second priority na lamang at wala silang magagawa kundi tutukan ang impeachment sa ayaw man nila o gusto.
Bukod dito, duda rin si Gatchalian kung may sapat pang oras ang Senado dahil halos anim na buwan na lang ang natitira sa kanila bago maghalalan at ang 3 buwan pa rito ay para sa campaign period.
Hindi rin naman aniya pupwedeng iilan lang na mga senador ang uupo sa impeachment court dahil masalimuot ang proseso at dapat lahat sila ay pinag-aaralan ito.
Magiging malaking usapin din aniya ito lalo na sa mga senador na reelectionist dahil kung sila man ay kandidato ay uunahin nila ang mangampanya at tiyaking mananalo sa susunod na halalan.
- Latest