^

Bansa

Tulfo sa DA: Paghuli sa mga abusadong rice importers, traders umpisahan na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinihikayat ni House Deputy Majority Leader Rep. Erwin Tulfo ang Department of Agriculture (DA), sa pangunguna ni Sec. Francisco Tiu Laurel, na umpisahan ng hulihin ang mga mapagsamantalang mga rice importers at traders sa bansa dahil sa patuloy na mataas na presyo ng bigas sa merkado.

Ani Cong. Tulfo, “P35 per kilo ang imported rice paglabas sa ating pier, e bakit wala pa rin tayong nakikitang bigas na less than P50 ang kilo sa palengke?”

“Ang ibig lang sabihin nito sa bulsa lang ng mga importers at traders napupunta lahat ng profit o kita at hindi man lang nila patikmin ang taumbayan.”

Dagdag pa ng ACT-CIS partylist Representative, bumaba ang presyo ng bigas sa abroad kung saan galing ang ating mga imported rice.

Bumaba na rin daw ang taripa sa imported na bigas kaya’t dapat lang daw bumaba na rin presyo ng bigas sa palengke.

“Panahon na mag-sampol si Sec. Laurel ng tusong importer na makasuhan at kumpiskahin mga bigas nito dahil sa overpricing”, anang mambabatas.

Aniya, “pero ang problema, mukhang nakatu­nganga lang ang DA natin at nag-aantay ng biyaya mula sa langit”.

“Unless kumilos si Sec. Laurel, hindi bababa amg presyo ng bigas sa palengke,” pahabol pa ni Tulfo.

DA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with