^

Bansa

450K volunteers ikakalat sa 2025 elections — PPCRV

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na makapagrehistro at magdeploy ng 450,000 volunteers sa mga polling precinct at canvassing centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa idaraos na 2025 Midterm elections.

“We had 450,000 card-bearing members in 2022. We will start our mobilization soon and hope to achieve that… and more,” ani PPCRV national Communications director Ana Singson sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) News.

Sa hiwalay na pahayag, binigyang-diin ng PPCRV na ang pagtutok nito sa pakikipag-ugnayan sa mga miyembro ng kabataan sa darating na halalan sa paraang “non-partisan”.

Idiniin ng organisasyon na ang pagsali sa mga kabataan ay mahalaga sa pagtiyak na ang demokratikong proseso ay mananatiling masigla at makabuluhan para sa susunod na henerasyon.

Idinaos kamakailan ng PPCRV ang pangkalahatang pagpupulong nito sa Maynila, na dinaluhan ng 159 coordinators mula sa mga diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa, bilang bahagi ng paghahanda nito para sa halalan sa Mayo 2025.

Sa pagpupulong, binago ng mga miyembro ng grupong nakabase sa Simbahan ang kanilang pangako sa mga prinsipyo ng clean, honest, accurate, meaningful, and peaceful (CH.A.M.P.) elections.

Ang PPCRV ay regular na kinikilala bilang isang citizens’ arm ng Commission on Elections (Comelec) sa panahon ng halalan.

ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with