^

Bansa

7K magsasaka sa Davao Region laya na sa utang

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
7K magsasaka sa Davao Region laya na sa utang
Photos show farmers harvesting their plot of land in Rosario, La Union on October 4, 2024.
STAR/ Andy Zapata

MANILA, Philippines — Nakalaya na sa utang ang may 7,000 magsasaka sa Davao region.

Ito ay matapos pagkalooban ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage (CoCRoMs) ang mga magsasaka na nagkakahalaga ng P527 milyon.

Napag-alaman na umaabot na sa 9,058 CoCROMS ang naipamahagi ni Marcos sa may 6,951 agrarian reform beneficiaries.

Kasama rin sa condonation ang mga hindi nabayarang principal amortizations, interest at surcharges ng mga lupang isinangla sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program.

“Ang programang ito ay naglalayong gawing ­ganap na tagapagmay-ari ng inyong mga sinasaka. Ibig sabihin, wala na po kayong iisipin na babayarang amortisasyon, interes, at iba pang mga surcharge,” pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati sa Panabo City Multi-Purpose Cultural and Sports Center sa Panabo City, Davao Del Norte.

Kabilang naman sa mga nakatanggap ng CoCRoMS ang mga magsasaka mula sa Davao De Oro, Davao Del Norte, at Davao Oriental.

Tatapusin ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng condonation sa mga lalawigan tulad sa Davao Del Sur, Davao Occidental, at Davao City bago matapos ang taong ito.

DAVAO REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with