^

Bansa

Rep. Quimbo, nagsagawa ng libreng bakuna sa libu-libong Marikenyo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Libu-libong residente ng Marikina ang nabigyan ng libreng bakuna kontra trangkaso sa ilalim ng BaQuna Caravan Program, isang inisya­tibo ni Congresswoman “Teacher” Stella Quimbo na layong palakasin ang kalusugan sa komunidad. Ang naturang programa ay bahagi ng mga hakbang ni Marikina 2nd District Representative Quimbo para sa mas abot-kayang serbisyong medikal sa lungsod. Ayon kay Quimbo, ang Anti-Flu Vaccine, na karaniwang nagkakahalaga ng P1,000 hanggang P1,800 sa merkado, ay naipamahagi nang libre upang bigyan ng proteksyon ang mas maraming pamilyang Marikenyo laban sa mga karamdaman.

“Sa mga barangay isinagawa ang pagbabakuna upang mas maging madali para sa ating mga kababayan na ma-access ito,” ani Quimbo. “Ang kalusugan ng bawat pamil­yang Marikenyo ang aming prayoridad. Sisiguraduhin naming ang serbisyong medikal ay libre at abot-kamay para sa lahat.”

Patuloy na mag-iikot ang BaQuna Caravan sa iba’t ibang lugar sa Marikina, na naglalayong maabot ang mas marami pang residente. Ang programang ito ay bahagi ng mas malawak na inis­yatibo para sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusu­gan sa lungsod.

Para sa karagdagang impormasyon at iskedyul ng BaQuna Caravan, maaaring makipag-ugna­yan ang mga interesadong residente sa tanggapan ni Congresswoman Quimbo.

Ang hakbang na ito ay naglalayong tiyakin ang kalusugan ng mga Marikenyo sa gitna ng patuloy na banta ng trangkaso at iba pang sakit.

MARIKINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with