^

Bansa

Pangulong Marcos pinuri PCUP sa pagpapalakas ng karapatan, kapakanan ng marginalized sector

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) dahil sa mahalagang papel nito sa pagpapalakas ng mga karapatan at kapakanan ng mga marginalized na sektor.

Sa kanyang mensahe para sa pagdiriwang ng Urban Poor Solidarity Week ngayong taon, binigyang-pugay ng Pa­ngulo ang PCUP, na pinamumunuan ni Chief Executive Officer Meynard Sabili, sa papel nito sa pagpapalakas ng “mga pundasyon ng pag-asa, katarungan, at pagkakapantay-pantay sa ating bansa.”

“The PCUP plays a crucial role in championing the rights and welfare of the marginalized by providing platforms for meaningful dialogue and pathways for sustainable development,” ayon pa kay Marcos.

Ipinagdiriwang ng PCUP ang Urban Poor Solidarity Week ngayong taon na may temang “One Big Happy Family: Bagong Pilipinas, Bagong Tahanan para sa Maralitang Kababayan.”

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang nasabing tema ay naglalarawan ng pangangailangan para sa pagkakaisa habang tayo ay nagtutulungan tungo sa isang lipunan kung saan bawat isa ay nararamdaman, pinapahalagahan at sinusuportahan din.

Nagpasalamat naman si CEO Sabili sa Pangulo sa kanyang walang sawang suporta sa Komisyon at nangakong lalo pang pagpapalalimin ang pakikipagtulu­ngan sa mga stakeholder upang matiyak ang kapakanan ng mga maralitang urban.

“Pursuant to the vision of our beloved President Bongbong Marcos Jr., we will strive harder to help uplift the lives of the urban poor by doubling our efforts in collaborating with all our stakeholders,” sinabi pa ni Sabili.

FERDINAND R. MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with