^

Bansa

Pangandaman inaprubahan P1 bilyon para sa disaster-related infrastructure

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangandaman inaprubahan P1 bilyon para sa disaster-related infrastructure
(DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman

MANILA, Philippines — Aprubado na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang pagpapalabas ng P1 bilyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para gamitin sa mga disaster-related infrastructure projects.

Ayon kay Pangandaman, ang nasabing pondo ay inilabas base na rin sa kahilingan ng DPWH na isa sa naging frontline agencies at naubos ang kanilang pondo para sa relief at rehabilitation efforts matapos na tumama ang sunud-sunod na kala­midad sa bansa.

“As directed by President Bongbong Marcos, we shall continue to ensure that we provide needed support to crucial initiatives aimed at mitigating the impact of natural calamities. Malaking bagay po itong dagdag na pondo para maipagpatuloy ‘yung rehabilitation and restoration efforts ng DPWH, so that we can have efficient and more resilient infrastructure,” sabi ni Pangandaman.

Inaprubahan ng ­Budget Secretary ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) noong Nob. 27, 2024 at ang nasabing SARO ay valid for obligation hanggang Dis. 31, 2025.

Para sa taong ito, P22.736 bilyon ang inilaan sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF). Sa naturang halaga, ang P22.479 bilyon ay inilaan sa DPWH, DSWD, Departments of Human Settlements and Urban Development, Defense, Finance, Agriculture, DILG at iba pang Government Owned and Controlled Corporations hanggang nitong Nob. 28, 2024.

Ang P13.888 bilyon naman ay inilagak upang dagdagan ang mga pondo ng Quick Response Fund ng mga nasabing ahensiya.

Gagamitin ang NDRRMF para sa aid, relief at rehabilitation services sa mga nasalantang lugar, maging sa rehabilitasyon at reconstruction works na may kaugnayan sa mga natural calamities na tumama sa komunidad hanggang sa nagdaang dalawang taon.

DBM

DPWH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with