‘Ayuda’ sa Makati teachers inalmahan ng solon
MANILA, Philippines — Nababahala si Makati 2nd District Congressman Luis Campos Jr. sa “timing” ng pamamahagi umano ng isang senador ng personal ayuda sa mga guro sa lungsod na iniiugnay sa nalalapit na eleksyon.
“The timing of the “ayuda” distribution is disturbing. Offering money to our teachers with just a few months to go before the local election can be interpreted as an attempt to influence them as they will be performing their duties as non-partisan election officers,” ani Campos sa isang pahayag.
Batay sa report na kanyang natanggap, pinapadalhan umano ang mga teacher ng notice na pumunta sa isang lugar kung saan bibigyan sila umano ng pera ng staff ng senador.
Nakakagulat din anya na hindi alam ng mga teachers na isinama ang kanilang mga pangalan sa isang master list ng walang pahintulot.
Naniniwala ang mambabatas na ang aksyon ng isang senador ay tangkang pag-impluwensya dahil ang mga guro ang nagsisilbing election officers.
“I am fully confident that our dear teachers will not be swayed by this condemnable move. I know that they will continue to abide by the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees and will not compromise their independence and integrity,” dagdag pa ni Campos.
Nakasaad sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees o Republic Act 6713 na bawal tumanggap ng pera, regalo, pabuya, o anumang bagay and mga opisyal ang empleyado ng gobyerno sa pagtupad nila ng kanilang tungkulin.
- Latest