^

Bansa

“Maki-beki, ‘wag ma-shokot!’ Tuloy laban para sa LGBTQIA+ anti-discrimination

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasabay ng paggunita sa kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio, patuloy ang pagsusulong ng iba’t ibang grupo para sa tunay na pagkilala at pagtanggap sa LGBTQIA+ community.

Ayon kay Gabriella Partylist Rep. Arlene Brosas, hindi matutuldukan ang diskriminasyon sa sektor kung hindi pa rin maisasabatas ang Anti-Discrimination Law. Baha­gi umano ng karapatang pantao ang karapatan ng LGBTQIA+.

“We have a moral obligation to push for the immediate passage of the SOGIE Bill, ensure implementation of existing local anti-discrimination ordinances, and promote gender sensitive education and awareness programs, support LGBTQIA+ representation in governance and decision-making. Hindi na dapat patagalin… kaya maki-beki at ‘wag ma-shokot,” sabi ni Brosas.

Ganito rin ang sentimyento ni Akbayan Rep. Perci Cendaña, “The only way forward is to go back to our core - mutual respect, social justice, and human rights - our fundamentals in laying the groundwork for a just, humane, and inclusive society.”

Sa pakikipagtulungan ng Philippine Anti-Discrimination Alliance of Youth Leaders (PANTAY) sa German Embassy, nakapagtala sila ng ka­ragdagang anim na local government units tulad ng Pasay City, Batangas City, San Jose del ­Monte Bulacan, Lapu-Lapu City Cebu, Zamboanga City, at Cordon Isabela na mayroon na ngayong sari-sariling Anti-Discri­mination Ordinance.

Ibinahagi naman ng German Ambassador to the Philippines na si Andreas Michael Pfaffernoschke ang mga leksyon ng kanilang bansa kung saan umabot ng 49 taon matapos ang pagbagsak ng mga Nazi bago nabigyang pansin ang usapin ukol sa gender equality.

“As equality advocates, we must work with our allies in the local level to ignite hope and serve as the guiding light for more LGUs to create safe spaces & opportunities for LGBTQIA+ voices to be heard,” ani PANTAY Executive Director Rye Manuzon.

Sa mga pag-aaral, lumalabas na 74% ng mga Pilipino na kabilang sa LGBTQIA+ sector ang nakakaranas ng diskriminasyon pagda­ting sa trabaho at oportunidad, nabubully sa paaralan, kakulangan sa angkop na healthcare, abuso sa loob ng sariling tahanan, at kakulangan sa proteksyon pagdating sa usa­ping legal.

LGBTQIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with