Pangulong Marcos: Impeachment vs VP Sara aksaya lang ng oras
MANILA, Philippines — Pag-aaksaya lang umano ng oras ang paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaming nagpaabot siya ng mensahe sa mga kaalyado sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara.
Para sa Presidente, hindi ito mahalaga at walang pagkakaiba sa kahit kaninong Filipino kaya hindi na dapat pagkaabalahan kundi pag-aaksaya lamang ng oras at hindi naman mababago ang buhay ng mga Filipino.
“Well, it was actually a private communication, but na-leak na, yes. Because that’s really my opinion. This is not important. This does not make any difference to even one single Filipino life. So why waste time on it?” ayon sa Pangulo sa panayam sa Lucena City, Quezon.
Matatandaan na ibinunyag ng TV host na si Anthony Taberna ang isang txt message na kumalat na aniya ay mula kay Pangulong Marcos kung saan nakasaad na “In the larger scheme of things, Sara is unimportant. So please do not file impeachment complaints.”
Hindi naman binanggit ni Taberna kung sino ang pinadalhan ng text message.
Natanong naman ang Pangulo kung ano ang mangyayari sa Kamara sakaling maihain ang impeachment laban sa Bise Presidente.
“It will tie down the House, it will tie down the Senate. It will just take up all their time and for what? For nothing, for nothing. None of this will help improve a single Filipino life. As far as I am concerned, it’s a storm in a teacup,” ayon pa kay Marcos.
- Latest