^

Bansa

Mary Jane Veloso balik-Pinas sa Enero

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Mary Jane Veloso balik-Pinas sa Enero
Cesar Veloso (L) and Celia Veloso (R), parents of Mary Jane Veloso, a Philippine drug convict in Indonesia, hold placards as they join a protest to appeal for clemency and to hand a new letter of appeal for her freedom, at Mendiola Street in Manila on January 10, 2024. The Philippines renewed on January 9 its appeal for clemency for a Filipino woman on death row in Indonesia, hours before the country's president was scheduled to arrive in Manila for an official visit.
AFP/Jam Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Plano ng Indonesia na ibalik si Mary Jane Veloso sa Pilipinas sa Enero.

“Our target is hopefully at the end of December, the transfers of these prisoners will have been completed,” ani senior minister Yusril Ihza Mahendra.

Kabilang sa mga itinuturing na mga high-profile detainees si Veloso na nailigtas mula sa pagbitay kasama ang natitirang mga miyembro ng “Bali Nine” ng Australia, na pawang hinatulan ng mga kaso sa droga noong 2005.

Ginawa ang anunsiyo matapos ihayag ni Yusril noong nakaraang linggo na inaprubahan ni ­Pangulong Prabowo Subianto ang paglipat ni Veloso sa Pilipinas.

Matatandaan na hindi itinuloy ang pagbitay kay Veloso noong 2015, limang taon matapos arestuhin dahil sa dalang maleta na may lamang 2.6 kilo ng heroin.

Napaulat na dalawa sa “Bali Nine” gang ang binitay sa pamamagitan ng firing squad, isa ang namatay dahil sa cancer at isa pa ang pinalaya noong 2018.

Nakikipag-ugnayan din ang Indonesia sa Paris tungkol sa posibilidad na ilipat ang isang France national na hindi pinangalanan.

MARY JANE VELOSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with