^

Bansa

2 landmark laws titiyak sa kinabukasan ng Pinas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino na layon ng ­Philippine Maritime Zones Act (RA 12064) at Philippine Archipelagic Sea Lanes Act (RA 12065) na tiyakin nito ang territorial integrity ng Pilipinas, pati na ang mga hinaharap na resources ng enerhiya at pagkain, kabilang na ang isda at iba pang produktong dagat.

“These laws are forward-looking and would benefit several generations of Filipinos,” sabi ni Tolentino, ang punong may-akda at sponsor ng twin measures.

Sa pagsasalita sa harap ng isang conference ng radio station news managers noong Martes, umapela ang senador sa mga miyembro ng media na tumulong na maipaliwanag sa mga Filipino kung bakit mahalaga sa kanila ang mga batas na ito.

“Every year, we impose a closed fishing season lasting several months for round scad (galunggong) and sardines (tamban). These also mark the deluge of fish imports to fill the insufficient supply,” paliwanag pa niya.

“But the West Philippine Sea (WPS) has no closed and open seasons. Along with the ‘Talampas ng Pilipinas’ (formerly ‘Benham Rise’) in our eastern seaboard, these rich maritime zones can help provide fish and other marine products for Filipinos,” dagdag ng senador.

Bilang karagdagan, sinabi ni Tolentino na ang mga siyentipikong pag-aaral sa dagat ay nagpapahiwatig ng potensyal ng WPS na makabuo ng langis at natural na gas upang matugunan ang pangangailangan tungo sa mura at napapanatiling mapagkukunan ng enerhiya para sa mga sambahayan at industriya.

“This is the reason why I am pushing for a partnership with Japan on the sharing of fisheries technology, so that we could benefit from it. This is in light of current discussions on the Reciprocal Access Agreement (RAA),” anang senador na tumutukoy sa bilateral security agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan, na inaprubahan ng Senate committee level nitong Lunes.

Binanggit din niya na ang pagsusumite ng RA 12064 sa United Nations at RA 12065 sa International Maritime Organization at International Civil Aviation Organization ay makatutulong sa pagpapalakas ng suportang pandaigdig sa paggigiit ng bansa sa mga karapatan at pag-angkin nito sa pandagat.

FRANCIS “TOL” TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with