^

Bansa

10 porsyentong discount sa gamot ng rank and file employees isusulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
10 porsyentong discount sa gamot ng rank and file employees isusulong
Tanging valid ID ng mga kawani ng pamahalaan ang kailangang ipakita nito at patunay na sumasahod sila ng P30, 000 pababa para makakuha ng 10 percent discount sa mga gamot, kabilang ang branded at generic drugs.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isinusulong ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo, at apat pa niyang kasamahan sa Kongreso na mabigyan ng 10 percent discount sa gamot ang mga rank and file na kawani ng pamahalaan para makatulong sa kanilang mga gastusin sa pagkakasakit.

Ayon kay Tulfo, ihahain niya nga­yong Lunes kasama sina ACT-CIS party­list Reps. Edvic Yap at Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon city 2nd district Rep. Ralph Wendel Tulfo, ang bill na “An act granting rank and file government employees a 10% discount on the sale of medicines.”

“Alam natin ang sitwasyon ng mga maliit na manggagawa ng pamahalaan na hirap din na matustusan ang kanilang mga gamot kapag sila ay nagkakasakit dahil sa mahal ng mga bilihin,” ani Tulfo sa pahayag.

“Ang batas na ito ay makakagaan kahit papaano sa kanilang buhay at makababawas sa malaking gastusin tuwing magkakasakit,” dagdag pa ng mambabatas.

Ayon sa panukala, sakop nito ang mga kawani ng pamahalaan na may sweldong P30,000 pababa.

Tanging valid ID ng mga kawani ng pamahalaan ang kailangang ipakita nito at patunay na sumasahod sila ng P30, 000 pababa para makakuha ng 10 percent discount sa mga gamot, kabilang ang branded at generic drugs.

Nakasaad din na sinumang lalabag o hindi susunod dito ay maaring pagmultahin ng P50,000 hanggang P100,000 o kulong ng anim na buwan hanggang isang taon, depende sa bigat ng kasalanan.

“Government employees, who often shoulder the responsibility of supporting families, are particularly vulnerable to the financial burden of high medication costs,” ayon sa panukalang batas.

EMPLOYEES

MEDICINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with