^

Bansa

VP Sara nag-hire ng assassin, ipatutumba sina Pangulong Marcos, First Lady Liza, Romualdez

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
VP Sara nag-hire ng assassin, ipatutumba sina Pangulong Marcos, First Lady Liza, Romualdez
Humagulgol na napayakap si Zuleika Lopez kay Vice Pres. Sara Duterte matapos basahin ang order para ilipat siya sa Correctional Institute for Women detention facility. Dinala sa St. Lukes hospital si Lopez matapos sumama ang pakiramdam habang nakakulong sa Kamara.
CTTO

MANILA, Philippines — Kumontak na umano ng ‘assassin’ si Vice President Sara Duterte para patayin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Ferdinand Romualdez kapag may nangyari umanong masama sa kaniya.

Ito ang mariing banta ni VP Sara nang mag-live stream sa detention faci­lity ng Kamara kasama ang na-contempt nitong Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez nitong Sabado ng madaling araw.

Isang Diehard Duterte Supporters (DDS) vlogger ang nagtanong kay VP Sara para sa seguridad nito at laking gulat ng lahat sa naging kasagutan nito.

“Nagbilin na ako.... ‘Pag namatay ako, ‘wag ka tumigil hanggang hindi mo mapapatay sila,” pahayag ni VP Sara na tinukoy ang mga pangalan nina PBBM, First Lady Liza at Romualdez na siyang mga ipata-target niya sa assassin.

“Pag namatay ako mamatay rin sila,” banta pa ng Bise Presidente na iginiit na seryoso siya at hindi ito basta “joke , joke lang”.

Nagpatawag ng press briefing si VP Sara matapos silbihan ng transfer order ng Blue Ribbon panel si Lopez para ilipat sa Correctional Institute for Women (CIW) facility sa Mandaluyong City dakong alas-11:30 ng umaga.

Ang transfer order ay matapos “mag-kampo” na ang VP sa Kamara na kung hindi nasa opisina ng kanyang kapatid na si Davao City Rep. Paolo Duterte ay nasa detention facility ni Lopez.

Bunsod nito kaya inatasan ni House Committee on Good Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua si House Sergeant at Arms Chief P/ret. Gen. Napoleon Taas na iimplementa ang order.

Tinutulan naman ni Lopez ang nasabing kautusan na iginiit na hindi siya aalis sa kaniyang detention room dahil hindi naman umano siya akusado para ilipat sa jail facility at ito’y kaniyang karapatan.

Napasugod naman si VP Sara ng malaman ang nasabing paglilipat ng detention kay Lopez.

Habang isinisilbi at binabasa ang order kay Lopez ay tinangka itong pigilan ni VP Sara na sinabing siya ang abogado ni Lopez.

Gayunman habang pinagtatalunan ang isinisilbing order ay sumama ang pakiramdam ni Lopez na nahilo, nagsuka at hinimatay bunsod upang isugod ito bandang alas-3 ng madaling araw sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) bago inilipat sa St. Lukes Medical Center sa Que­zon City kung saan sinamahan ito ni VP Sara.

Nasa stable nang kondisyon si Lopez at nakabalik na rin sa VMMC nitong Sabado. Nakatakda itong ilipat ng Correctional.

PRESIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with