^

Bansa

Romualdez kay Sara: Humarap sa House probe

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Romualdez kay Sara: Humarap sa House probe
Undated file photo shows Davao City Mayor Sara Duterte and House Majority Leader Martin Romualdez.
Martin Romualdez / Facebook

MANILA, Philippines — Hinikayat nitong Huwebes ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Vice President Sara Duterte na personal na dumalo sa pagdinig ng House blue ribbon panel at ipaliwanag ang paggasta sa P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at DepEd na dati nirong hinawakan.

“Eh ‘di dapat lang siyang sumipot at mag-oath at mag-salita at mag-eksplika dahil lahat ng mga opisyales niya… siya lang yata may alam kung anong nangyari diyan sa mga pondo eh kaya dapat siya ang mag-eksplika,” pahayag ni Romualdez sa ambush interview sa Albay.

Sinabi ni Romualdez na hindi dapat ipasa ni VP Sara ang responsibilidad para ipaliwanag ang pondo sa kaniyang mga subordinates.

“’Wag na niyang ibigay sa mga officials niya sa OVP at sa DepEd. Sana lang magsalita,” ani Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na limitado lanang ang impormasyon ng mga staff ni VP Sara at ito lamang ang makakasagot sa mga katanungan ng mga mambabatas sa paggasta ng confidential fund.

Si VP Sara ay isang beses lamang dumalo sa pagdinig, tumangging manumpa at magsabi ng katotohanan.

Itinakda ang susunod na pagdinig sa darating na Nobyembre 25.

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with