Rodriguez namahagi ng bigas, fertilizers sa magsasaka
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni A-Teacher Partylist nominee Virginia Rodriguez ang pamimigay ng libreng bigas at organic na fertilizers sa daan-daang mga magsasaka mula sa Valencia City, Bukidnon para lalong lumago ang produksyon ng kanilang ani sa probinsya.
Si Rodriguez, na sinamahan nila Valencia City Mayor Azucena Huervas, ay nagsabi na ang pinamigay ng organic fertilizers, at may kasama pang libro niya na may pamagat na “Leave Nobody Hungry”, ay makakatulong sa pagbibigay dagdag kaalaman sa magsasaka upang magkaroon ng sustainable agricultural practices at malaman ang makabagong teknolohiyang ginagamit sa pagtatanim para dumami pa kanilang aanihin na palay.
Si Rodriguez na isang pilantropo ay ikatlong nominee ng A Teacher Partylist No.137 ay nagsabi na ang pagkakaroon ng food security ay maaring makamit kung ang mga taong may interes, na nagmumula sa iba’t ibang sektor, ay magtutulung-tulong para makamit ang pag-unlad.
Naniniwala din si Rodriguez na hindi lang ang Department of Agriculture, pati ang iba pang mga ahensya, ang tutulong para masigurado na ang mga magsasaka ay makakakuha ng lahat ng suporta na kailangan nila para mapaganda pa ang kanilang produkto at kikitain mula nito.
- Latest