Manong Chavit dadalhin electric PUVs sa Maynila
MANILA, Philippines — Inihayag ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang plano niya na solusyunan ang modernisasyon ng transportasyon sa Maynila na agarang sinang-ayunan ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.
Nitong Martes ay inanunsyo ni Manong Chavit ang kanyang plataporma para sa modernization ng public transportation sa siyudad sa harap ng daan-daang mga senior citizens na nagtipon sa SM Manila.
Ayon sa senatorial candidate, nais niyang dalhin sa siyudad ang isang fleet ng 22-seater electric public utility vehicles (PUVs) upang maibsan ang matinding problema sa trapiko na nararanasan sa Maynila at upang mapagaan ang buhay ng mga pasahero at commuters.
Kasama niya sa planong ito si Domagoso, na nangako rin na sisiguraduhin na available ang supply ng mga electric vehicles sa mga transport groups habang si Manong Chavit naman ang sasagot sa pagpondo sa gagawing roll out ng mga E-PUVs.
Ang mga E-PUVs ay mayroong mga modernong amenities gaya ng air conditioning at CCTV upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero. Eco-friendly rin ang mga electric motors kaya naman siguradong makakabawas ito sa carbon footprint ng siyudad.
Ang kampanya ni Manong Chavit, kandidato sa pagkasenador sa 2025, na gawing moderno ang transportation sector sa bansa ay nakakakuha na ng malawakang suporta mula sa mga grupong naghahangad nang pangmatagalang solusyon sa trapiko at polusyon sa Metro Manila.
- Latest