Amihan season simula na

Ito ang kinumpirma ni Ana Lisa Solis, head ng Climate Monitoring and Prediction Division ng PAGASA kaugnay ng nararanasang paglamig ng panahon sa kasalukuyan.
PAGASA Satellite

MANILA, Philippines — Pumasok na sa bansa ang simoy ng Pasko o ­hanging amihan na may malamig na panahon.

Ito ang kinumpirma ni Ana Lisa Solis, head ng Climate Monitoring and Prediction Division ng PAGASA kaugnay ng nararanasang paglamig ng panahon sa kasalukuyan.

Sinabi rin niya na nakatulong ang pagpasok ng amihan sa paghina ng Bagyong Pepito.

Anya, ang pagsisimula ng panahon ng Amihan o ang malamig na panahon ay dulot ng hanging pumasok galing ng hilagang-silangan mula sa Siberia.

Sa pagpasok din ng amihan sa bansa ang isang ugat nang paghina ng Super Typhoon Pepito.

Bunsod nang pagpasok ng amihan ay asahan na ang sunud-sunod na surges ng malamig na hangin, sa mga susunod na linggo, na hudyat ng pagsisimula nang panahon ng Kapaskuhan.

Show comments