^

Bansa

Weather advisories ng PAGASA, gawing simple — Tol

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanindigan si Senator Francis ‘Tol’ Tolentino na dapat gawing simple at madaling maunawaan ng karaniwang Pilipino ang weather advisories ng PAGASA para mas makapaghanda ang mga komunidad sa mga paparating na bagyo.

“Buhay ang nakataya tuwing hahagupitin tayo ng bagyo. Kung kaya dapat pasimplehin at ibaba sa lebel na mauunawaan ng masa ang mga ulat ng PAGASA,” ayon kay Tolentino sa isang panayam sa DWIZ.

“Halimbawa, kung isasalarawan ang dami ng babagsak na ulan, dapat nang iwasan ng PAGASA ang paggamit ng millimeters o color coding. Masyado itong teknikal at mahirap maunawaan,” dagdag niya.

“Pwede nating sabihin, halimbawa, kung ilang drum ng tubig-ulan ang babagsak sa isang partikular na lugar sa isang takdang panahon dulot ng bagyo,” ani Tolentino, na may malawak na karanasan sa paghahanda at pag­responde sa kalamidad bilang Metro Manila Development Authority (MMDA) chair.

Iminungkahi niya sa PAGASA na makipagtulungan sa linguistics experts ng Unibersidad ng Pilipinas, sa mass ­media, at mga eksperto sa komunikasyon para mas maunawaan ng karaniwang Pilipino ang mga ulat at abiso ng ahensya.

PAGASA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with