^

Bansa

PI ng DOJ sa POGO trafficking complaint, ‘inisnab’ ni Roque

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — ‘Inisnab’ ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang idinaos na preliminary investigation (PI) ng Department of Justice (DOJ) sa kanyang kinakaharap na qualified trafficking case kahapon.

Sa isang ambush interview matapos ang pagdinig, kinumpirma ni DOJ Prosecutor Eugene Yusi na hindi dumalo si Roque sa idinaos nilang preliminary investigation kahapon.

Bunsod nito, hindi pa rin aniya nakakapagsumite si Roque ng kanyang counter-affidavit sa DOJ panel of prosecutors na humahawak sa kanyang kaso.

Ayon kay Yusi, naimpormahan na nila si Roque hinggil sa kinakaharap na reklamo bunsod ng umano’y pagkakasangkot niya sa Lucky South 99 POGO.

“Atty. Harry Roque has not yet submitted his counter affidavit. Presently, he has not yet participated or has been represented during the preliminary investigation,” pahayag pa ni Yusi sa mga mamamahayag.

Nagbabala naman ang prosecutor na sakaling mabigo si Roque na lumahok sa preliminary investigation ay reresolbahin nila ang kaso base na lamang sa mga ebidensiyang hawak nila.

Una nang pinabulaanan ni Roque na siya ang abogado ng Lucky South 99, sa Porac, Pampanga.

Bukod kay Roque, respondents din sa naturang reklamo si Lucky South 99 representative Cassandra Li Ong at 50 iba pang indibidwal.

POGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with