^

Bansa

Sumbong na appliances mula China aaksyunan – Tulfo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Sumbong na appliances mula China aaksyunan – Tulfo
Ayon kay Rep. Erwin Tulfo na ­inimbitahan ang iba’t ibang local appliance manufacturers ng Pilipinas sa pagdinig ngayong umaga ng House Committee on Trade and Industry dahil sa kanilang sumbong noong nakaraang buwan na pinapatay ng mga produktong galing China ang mga produkto ng Pilipinas.
KJ Rosales / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Isang pagdinig ang isasagawa ngayong ­umaga sa Kongreso hinggil sa reklamong inilapit ng mga local appliance manufacturers kay House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at ACT-CIS partylist laban sa mga produktong galing China.

Ayon kay Rep. Tulfo  na ­inimbitahan ang iba’t ibang local appliance manufacturers ng Pilipinas sa pagdinig ngayong umaga ng House Committee on Trade and Industry dahil sa kanilang sumbong noong nakaraang buwan na pinapatay ng mga produktong galing China ang mga produkto ng Pilipinas.

“Halos 300,000 na manggagawang mga Pinoy ang mawawalan ng trabaho kung magsasara ang mga factory ng mga local appliance brands dahil sa pagpasok ng mga Chinese products sa bansa,” ayon kay Cong. Tulfo.

“At dahil nga inoorder online sa pamamagitan ng Shopee o Lazada, hindi na dumadaan sa DTI for inspection ang mga binibili na ­appliances,” ayon pa kay Tulfo.

Dagdag pa ni Cong. Tulfo, “Papaano makikipagkumpitensya ang mga local brands natin kung ang mga inoorder online ay hindi na dumaan sa inspeksyon o di kaya’y nagbabayad ng buwis?”

Para naman kay ACT-CIS Cong. Edvic Yap, “Pag hindi natin magawan ng paraan ang problemang ito, hindi makatarungan na magsasara ang mga kum­panyang Pilipino at ma­rami ang mawawalan ng trabaho dahil lamang sa mga mumurahin ngunit hindi siguradong kalidad na produktong ­galing China.”

ACT-CIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with