Panganib ni ‘Pepito’ paghandaan - PAGASA
MANILA, Philippines — Pinaghahanda at pinag-iingat na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa panganib na dala ng Bagyong Pepito.
Sinabi ni PAGASA Administrator Nathaniel Servando na mabilis ang kilos ni “Pepito” sa 30kph.
“The next 24 hours are critical,” ani Servando.
Namataan ang sentro ng bagyo sa layong 630km silangan ng Guian, Eastern Samar taglay ang lakas ng hanging aabot sa 130km/h at pagbugsong hanggang 160km/h.
Maaaring umabot sa kategoryang super typhoon si “Pepito” bago magland-fall mamayang gabi o bukas ng umaga.
Nakataas na ang Signal No. 2 sa eastern portion ng Northern Samar, northern portion ng Eastern Samar, southeastern portion ng Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate, nalalabing bahagi ng Northern Samar, nalalabing bahagi ng Eastern Samar, Samar, at Biliran.
Samantala, humina na ang Bagyong Ofel sa Severe Tropical Storm na huling namataan sa layong 215km hilagang kanluran ng Calayan Cagayan.
Palabas na ng bansa si Ofel at patungo na ng Taiwan.
- Latest