^

Bansa

Mandatory evac kay ‘Pepito’ inutos ni Pangulong Marcos

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mandatory evac kay âPepitoâ inutos ni Pangulong Marcos
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. presides over a situational briefing on the effects of Severe Tropical Storm #EntengPH at the NDRRMC headquarters in Quezon City on September 4, 2024.
PPA pool photos by Yummie Dingding)

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay  Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na magpatupad ng mandatory evacuation sa mga baybaying bahagi ng Bicol region, Eastern Visayas at Quezon na maaring tamaan ng storm surge dahil sa bagyong Pepito.

Sa situation briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) headquarters sa Camp Aguinaldo, Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos na dapat na mabigyan ng sapat na kaalaman at babala ang mga residente na lumikas na sa lalong madaling panahon.

Ito ay dahil base sa abiso ng PAGASA, nasa tatlong metro ang taas ng storm surge o daluyong ng tubig.

Dahil dito kaya kailangan na agad ilikas ang mga residente sa mga lugar na may taas na 5 metro.

Sinabi pa ng Pangulo na dapat na ipaintindi sa mga residente ang worst case scenario subalit hindi naman sila dapat takutin.

Giit pa ng Pangulo, dapat na magsilbing leksyon ang bagyong Yolanda na tumama sa Visayas region na marami ang namatay dahil hindi naintindihan ang bababala sa storm surge.

Sinabi naman ni Remulla na nasa 200,000 pamilya ang kinakailangan na ilikas sa mas ligtas na lugar.

Siniguro naman ni Remulla, akma naman ang mga evacuation centers sa storm surge.

NDRMMC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with