^

Bansa

Chavit: Zero-interest loans sa jeepney operators

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinusulong ngayon ni dating Ilocos Sur Governor at senatorial candidate Luis “Chavit” Singson ang isang inklusibong hakbang para sa ipinatutupad na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ayon kay Singson – na kilala rin bilang “Manong Chavit” – nais niyang maging financially accessible sa mga Pilipinong jeepney operators ang PUVMP.

Sa kanyang pagdalo sa Western Visayas Transport Summit sa Iloilo, inilunsad ni Manong Chavit ang kanyang natatanging e-jeep at ibinahagi ang kanyang naging papel sa modernization efforts bago pa man niya napagdesisyunang tumakbo bilang senador.

Paliwanag niya, bagama’t isang well-intentioned initiative ang PUVMP, ang financial model umano nito ay hindi praktikal sa maraming mga jeepney drivers lalo na yung mga walang kakayanang mangutang sa mga banko.

“Nang makita ko ang mga hamon na kinakaharap ng ating mga tsuper, alam kong kailangang may mas mabuting paraan. Marami sa kanila ang hindi ka­yang bayaran ang mga pautang o may limitadong access sa mga serbisyo sa pagbabanko kaya nagpasya na akong personal na pondohan ang transition,” saad ni Singson.

Upang matugunan ito, nangako siyang magbibigay ng zero-interest loans sa mga jeepney operators upang maalis na ang balakid sa pananalapi na pumipigil sa marami sa paglahok sa programa.

Ang solusyon ni Singson ay higit pa sa pagbibigay ng suportang pinansyal dahil kasama sa kanyang plataporma ang modernisasyon at ang pagbibigay ng mga electric jeepney na hindi lamang abot-kaya kundi pangkalikasan din.

Nagtatampok ang fleet ng makabagong teknolohiya, kabilang ang air conditioning para sa kaginhawahan ng pasahero at mga solar charging stations para isulong ang kahusayan sa enerhiya.

Upang gawing mas posible ang financial transition, isinulong ni Singson ang discounted electricity rates para sa mga solar charging stations na makakatulong na mabawasan ang mga gastos para sa mga may-ari ng jeepney.

“Ang pag-modernize ng fleet ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng mas mahusay na mga sasakyan, kasama rin rito ang pagiging environment-friendly para naman sa susunod na henerasyon,” sabi ni Singson.

Ang suporta ni Singson para sa PUV modernization effort ay malalim na nakaugat sa kanyang karanasan bilang pinuno ng lokal na pamahalaan, na nagsilbi bilang alkalde at gobernador ng Ilocos Sur. Gayunpaman, ang kanyang pananaw ay umaabot nang higit pa sa kanyang probinsya.

PUVMP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with