^

Bansa

Pinas ‘di tutulong, ‘di haharangin ICC probe sa Duterte drug war

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makikipagkooperasyon sa International Criminal Court (ICC) sa kabila ng pahayag ni da­ting presidente Rodrigo Duterte sa quadcomm hearing sa Kamara.

Matatandaan na nanawagan si Duterte sa hearing ng Kamara na agad siyang imbestigahan ng ICC sa war on drug campaigns ng kanyang administrasyon.

Sa ambush interview kay Pangulong Marcos matapos ang pamamahagi ng tulong sa mga pamil­yang biktima ng bagyong Kristine, tulad aniya ng sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi sila haharang sa ICC kung nais ng dating pangulo na makipag-usap o magpa-imbestiga.

“Ngunit kung pumapayag siya. Makipag-usap siya or magpa-imbestiga siya sa ICC nasa kanya iyon. wala na kami desisyon doon.”, giit pa ni Marcos.

Nilinaw naman ni Marcos na bagama’t hindi sila makikipag-cooperate sa ICC ay may obligasyon ang gobyerno sa International Criminal Police Organization o Interpol na dapat sundin.

“As Secretary Remulla explained before, we have obligations to Interpol and we have to live up to those obligations,” ayon pa sa Pangulo.

Sa kabila nito, susuriin pa rin aniya ng gobyerno kung hanggang saan ang itatakbo nito at kung ano ang gagawin ng ICC.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with