COCOPEA, NTF-ELCAC magkasangga vs ‘terror grooming’
MANILA, Philippines — Magkatuwang na ang Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga kabataang Filipino sa mapanganib na tinatawag na terror-grooming ng CPP-NPA-NDF.
Sinabi ni COCOPEA President Rev. Father Albert Delvo, na sumanib sila sa NTF ELCAC dahil naniniwala ang nasa 1,500 nilang miyembro na mahalaga ang pagsasama-sama para isulong ang kapayapaan at kaunlaran.
Ipinunto naman ni Dr. Dennis Coronacion, Chairperson ng University of Santo Tomas’ Political Science Department, na mahalaga na malaman ng lahat na kailangan ang ‘holistic approach’ para mapangalagaan ang mga kabataan sa pangre-recruit sa kanila na sumali sa CPP-NPA-NDF.
Mahalaga rin na ipaliwanag sa mga kabataan ang maling idelohiya ng mga komunistang-terorista upang makaiwas sila sa pag-sali dito.
- Latest