^

Bansa

Karapatan ng Philippines sa karagatan, pinalakas ng PMZ - Tol

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lalong pinalalakas ng Republic Act 12064, o ng Philippine Maritime Zones (PMZ) Act, ang karapatan ng Pilipinas na linangin at pakinabangan ang lahat ng yaman na nakapaloob sa karagatan nito - kabilang ang Talampas ng Pilipinas, na kilala rin sa tawag na ‘Philippine Rise’ (dating Benham Rise).

Ayon kay Senador Francis “Tol” Tolentino, sinasaklaw ng RA 12064 ang karapatan ng bansa na magtatag ng artificial islands, magtayo ng mga instalasyon at istruktura, magsagawa ng siyentipikong pananaliksik, maghukay at magbutas ng mga tunnel, at iba pang mga kahalintulad na hakbang na naaayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“Ipinapahiwatig ng mga pagsasaliksik na may sapat na deposito ng langis, natural gas, at minerals ang Phi­lippine Rise para tugunan ang ating pangangailangan at seguridad sa enerhiya,” diin pa nya.

Sa ilalim ng international law, kinikilala ang Talampas ng Pilipinas, na nasa 250 kilometro mula silangan ng Isabela, bilang bahagi ng extended continental shelf ng Pilipinas. Pinagtibay ang hurisdiksyon dito ng bansa sa pamamagitan ng UNCLOS. Magugunita na taong 2001 nang unang maghain ng opisyal na territorial claim ang bansa sa Philippine Rise.

Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act 12064, gayundin ang katambal nitong Philippine Archipelagic Sea Lanes Act, o RA 12065, noong Biyernes. Si Tolentino ang principal author at sponsor ng dalawang mahalagang batas.

MARITIME

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with