Bagyong Nika lumakas
MANILA, Philippines — Lumakas at naging ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area sa silangan ng southeastern Luzon na tatawaging Bagyong Nika.
Alas-11 ng umaga ng Sabado, ang sentro ng Bagyong Nika ay namataan ng PAGASA sa layong 1,145 kilometro silangan ng Southeastern Luzon taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras at pagbugso na umaabot sa 70 km bawat oras.
Dulot nito, nakataas ang Signal number 1 sa Catanduanes.
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Nika ay kikilos sa pakanluran hilagang kanluran sa forecast period.
Inaasahan itong mag-landfall sa Isabela o Aurora sa darating na Lunes, November 11 .
Bahagyang lalakas si Nika at maaabot ang severe tropical storm category sa Lunes bago bumagsak sa lupa. Hihina ang bagyo oras na dumaan sa may terrain ng mainland Luzon pero mananatili itong isang severe tropical storm.
Ngayong Linggo, inaasahan na si Nika ay nasa layong 650 km silangan ng Infanta, Quezon at nasa layong 215 km silangan ng Southeast Echague, Isabela.
- Latest